Tinatayang milyun-milyong deboto ang inaasahang bubuhos sa gaganaping traslacion ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila, bukas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos na inaasahang mas matagal na matatapos ang prusisyon ngayong taong kumpara noong 2015.
Ayon kay Carlos, sinuri na lahat ng mga daraanan ng traslacion at handa na rin ang halos 2,000 MMDA personnel para sa naturang aktibidad.
“Kasama po ditto ang traffic, yung ating mga naglilinis, yung ating mga rescue and medical personnels at ang ating mga crowd control personnels.” Pahayag ni Carlos.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas