Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na makakasundo niya ang bagong halal na pangulo ng Amerika na si Donald Trump.
Ayon sa Pangulo, wala naman silang iringan ni Trump kaya’t nakatitiyak siyang magiging maayos na muli ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Binigyang diin ng Pangulo na kumpara kay outgoing US President Barack Obama, hindi siya sinasaway at hindi rin niya naringgan si Trump na magsalita hinggil sa usapin ng human rights noong panahon ng kampanya.
Kasunod nito, muling nagpaabot ng pagbati si Pangulong Duterte kay Trump dahil ito aniya ang napili ng mga mamamayan ng Amerika para maging lider ng isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)