Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang batas na magbabawal sa lahat ng uri ng hazing kabilang ang initiation rites sa fraternities, sororities at mga organisasyon sa mga paaralan. komunidad, maging sa mga uniformed service learning institutions.
Ito ay bilang pag-amiyenda sa Republic Act 8049 o ang Anti-Hazing Act of 1995, na nabatikos dahil sa pagiging malabnaw o mahina.
Sa naturang batas, pinalawak pa ang depinisyon ng hazing kung saan ay kabilang na ang “physical or psychological suffering, harm or injury inflicted on a recruit, neophyte, applicant or member as part of an initiation rite or a requirement for continuing membership in a fraternity or sorority or organization.”
Ang sinumang mapapatunayang nagplano at nakilahok sa hazing na nagresulta ng kamatayan, rape, sodomy o mutilation ay papaatawan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo at may kabayaran na P3 million.
Matatandaan na umugong ang mga panawagan na amiyendahan at mas pagtibayin ang polisiya sa anti-hazing noong nakaraang taon matapos pumanaw si Horacio ‘Atio’ Catillo, ang first year law student sa University of Santo Tomas dahil sa hazing.
Ikinagalak naman ng mga senador ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11503 o Anti-Hazing Act of 2018 kung saan mas pinabigat ang parusa sa sinumang mapapatunayang sangkot sa nasabing aktibidad.
Bilang principal sponsor ng nasabing batas, umaasa si Senador Panfilo Lacson na matutuldukan na ang karahasan at wala nang susunod pa sa malagim na sinapit ni Horacio ‘Atio’ Castillo na nasawi dahil sa hazing.
Naniniwala naman si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na tila nakamit na rin ni Atio ang hustisya matapos malagdaan ang bagong batas.
Sinabi naman ni Senador Nancy Binay na dapat seryoso ang awtoridad sa pagpapanagot sa sinumang makikilahok sa hazing.
Positibo rin ang para kay Senador Bam Aquino ang paglagda ng Pangulo sa pinatibay na anti-hazing law na isa umanong paraan para matigil ang karahasan sa bansa.
May Ulat nina Jopel Pelenio (Patrol 17) / Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)