Nais ng mga senador na mas patatagin ang mga eskwelahan na itatayo , matapos ang magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.
Isinusulong ni Senador Richard Gordon na amyendahan ang National Building Code of the Philippines kung saan nakasaad na P2-M lamang ang nakalaang pondo para sa mga classroom, na hindi sapat sa pagtatayo ng matibay na paaralan pahayag ni Sen. Miguel Zubiri.
Para makarami naglalagay lang tayo ng civil minimum. Marami nga pero marurupok, isang buga, durog agad…There must be a national plan… We don’t have to build every time there is typhoon kung matitibay naman talaga… hindi yung civil minimum “, ani Gordon
Dagdag pa ni Gordon dapat ring lagyan ng paliguan ang mga palikuran sa paaralan dahil ito ay ginagawang evacuation centers sa panahon ng sakuna marapat umanong itong isama sa 2021 budget.—sa panulat ni Agustina Nolasco