Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapalakas pa ang relasyon ng Uganda at Sri Lanka.
Kapwa nagsumite ng credentials kay Pangulong Marcos sina Betty Oyella Bigombe bilang Non-Resident Ambassador ng Republic of Uganda at Dr. Chanaka Harsha Talpahewa bilang Resident Ambassador ng Democratic Socialist Republic of Sri Lanka.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo kay Bigombe na umaasa itong makahahanap pa ng pamamaraan upang mas mapagtibay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Uganda.
“We are very much in the same path, our two countries, and therefore, I think the experiences and lessons that we have learned along the way will be of benefit to both our countries so long as we keep our partnership strong and our alliances very profound and alive,” ayon sa pangulo.
Sinabi naman ni Bigombe na malaking karangalan na maglingkod siya bilang Ambassador-Designate of Uganda to the Philippines.
Ang Philippine embassy sa Nairobi, Kenya ay mayroong administrative jurisdiction sa Uganda at ang kasalukuyang non-resident Philippine ambassador to Uganda ay si Ambassador Marie Charlotte Tang.
Noong 2022, ang Uganda ay nasa 123rd sa ranking bilang trading partner ng Pilipinas, 94th export market at 191st import supplier.
Pangunahing ine-export ng Pilipinas sa Uganda ay ang mga electrical machinery at equipment, sound recorders at reproducers, television images at iba pa.
Samantala, kapwa naman nangako sina Pangulong Marcos at Sri Lankan Ambassador to the Philippines Chanaka Harsha Talpahewa na palalakasin pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa pangulo, inaasahan niya na mas mapapabuti pa ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.
“With the continuing hope that the relationship between our two countries, which has been an ongoing and long-standing relationship for [62] years is something that we will continue to develop and continue to make stronger,” ayon sa pangulo.
Ang Sri Lanka naman ay 75th sa ranking ng trading partner ng Pilipinas.
Pangunahing ine-export ng Pilipinas sa Sri Lanka ay ang harina, starch, gatas, at iba pang pastry products.