Muling umapela ang grupo ng mga health worker sa pamahalaan na maglatag ng matibay na mga solusyon kung paano malalabanan ang COVID-19 pandemic.
Ito’y matapos muling humirit ng timeout ang grupo ng mga doktor dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin, kailangan aniya ng pangmatagalang solusyon upang matugunan ang mga problema.
Hanggang ngayon ni Limpin ay hindi pa rin aniya nabibigyang tugon ang ilan sa kanilang mga hinaing tulad ng ligtas na transportasyon, ligtas na workplaces at iba pa.
National government sana po ay makinig tayo. So, may problem ho talaga tayo sa ating sistema. Hindi po pwedeng parang band aid solutions lang palagi ang ating iniisip.
Umapela rin si Limpin sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan upang tuluyan nang mapababa hanggang sa tuluyang masugpo ang COVID-19.
Hindi namin ito kakayanin mag-isa. Kami na po sa health sector ang kumilos. Kailangan ho namin ang tulong ng bawat sector ng society kasama po ang ating pamahalaan
Ang tinig ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin sa panayam ng DWIZ…