Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga commuters at motorista sa Metro Manila sa mas matindi pang pagbaha at traffic sa mga susunod na araw.
Ayon kay Rene Paciente, Chief ng Marine Meteorological Section ng PAGASA asahan na ang mas malalakas na thunderstorms sa Metro Manila ngayong weekend kagaya ng naranasan noong Martes.
Maulap na papawirin at mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms ang mararanasan sa Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Benguet Province dahil sa southwest monsoon, o habagat ayon sa PAGASA.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may kasamang isolated thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa.