Inaasahang lalala pa ang COVID-19 surge sa Negros Island.
Ang Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang tanging level 3 hospital sa nasabing lugar.
Ayon kay Chief Julius Drilon, Medical Chief ng naturang pagamutan, bagama’t hindi pa nila nakikita ang COVID-19 surge ay posibleng tumama ito sa kalagitnaan ng Oktubre.
Aniya, kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa lugar ay posibleng hindi na nila ito kayanin.
Sa ngayon ay 45 mang medical workers nila ang nagpositibo sa COVID-19 habang 75 na iba pa ang naka-quarantine, nasa 85% na rin aniya ang kanilang occupancy rate.
Sinabi pa ni drilon na karamihan o 90 % ng pasyente ay hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico