Nangangamba ang mga magsasaka sa Isabela sa posibleng epekto ng matinding El Niño.
Ngayon pa lamang ay doble kayod na ang mga magsasaka sa pagtatanim ng palay at mais para makaani rin sila ng mas maaga.
Tiwala pa rin ang mga magsasaka na bubuhos pa ang ulan para matubigan ang kanilang mga pananim.
Subalit kung hindi man uulan sinabi ng mga magsasaka na gagamitin na lamang nila ang tubig mula sa irrigation system.
Samantala, nag-desisyon naman ang ilang magsasaka na magtanim ng munggo na anila’y mabilis na mag-maute kaysa palay at mais.
By Judith Larino