Titindi pa pagsapit ng Mayo ang nararanasang init ng panahon ngayon sa bansa.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, sa buwan ng Mayo naitatala ang pinakamainit na temperatura sa buong taon ng “peak” ng tag-init.
Matatandaang kahapon, naitala ang 37 degrees Celsius na temperatura sa Cabanatuan at 35.5 degrees Celsius sa Tuguegarao.
Samantala, asahan pa rin ayon sa PAGASA ng mga kalat kalat na pag ulan at localized thunderstorms sa dakong hapon at gabi.
By Rianne Briones