Umapela si Pope Francis sa international community na doblehin ang mga hakbang upang mawakasan ang modernong pang-aalipin ng child labor.
Ginawa ng Santo Papa ang pahayag kasabay ng World Day Against Child Labor sa pangunguna ng International Labor organization.
Ayon sa pinakamataas na lider ng Iglesia Katolika, milyun-milyong bata ang napagkakaitan ng kanilang mga pangunahing karapatan at nalalantad sa panganib dahil sa child labor.
Tinatayang aabot sa halos 200 milyong bata ang nagtatrabaho sa buong mundo kung saan halos kalahati rito ay nasa mga minahan at construction.
By Jelbert Perdez