Asahan na ngayong araw ang mas matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila bunsod ng patuloy na pagdagsa ng mga uuwi sa probinsya upang magdiwang ng pasko bukod pa sa mga humahabol sa pag-sho-shopping.
Inabisuhan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations at EDSA Traffic Czar Bong Nebrija ang mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya.
Ayon kay Nebrija, inaasahang mararamdaman ang matinding epekto ng traffic congestion simula mamayang hapon o rush hour hanggang gabi.
Batay aniya sa monitoring ng MMDA, umaabot na lamang sa average na 14 kilometers per hour ang bagal ng mga sasakyan sa EDSA at posibleng bumagal pa sa mga susunod na oras.
Inaabot na ng tatlo hanggang apat na oras ang biyahe sa magkabilang dulo ng EDSA o mula Monumento, Caloocan City hanggang Pasay City pabalik kapag malapit na ang pasko.
Sa datos ng MMDA data, mahigit 400 sasakyan ang dumaraan sa EDSA kada araw kumpara sa capacity ng kalsada na 288,000 vehicles.
MMDA naka-full alert na sa inaasahang ‘Carmageddon’ ngayong araw
Naka-full alert na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa inaasahang Carmageddon o matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko, ngayong araw sa ginta ng holiday rush.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, bukod sa EDSA ay hindi rin ligtas sa traffic congestion lalo sa mall na nasa major roads lalo ang mga malapit sa mall.
Kabilang sa mga tinututukan ng m.m.d.a. ang marcos highway kung saan apat na mall ang matatagpuan; C-5; Roxas Boulevard; Commonwealth Avenue.
Maliban sa mahabang pasensya, pinagbabaon ng ahensya ang mga motorista ng disiplina bunsod ng mas mahabang oras ng biyahe dahil sa bagal ng takbo ng mga sasakyan.
Samantala, tinututukan din ang mga chokepoint sa EDSA gaya sa Balintawak, Cubao, Shaw Boulevard at Magallanes Interchange.
—-