Sususpendihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng excavation activities ng mga utility firm simula Nobyembre hanggang Enero ng susunod na taon.
Ito’y bilang paghahanda sa mas matinding traffic sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dalawang buwan bago ang Pasko.
Pinulong na ni MMDA General Manager Tim Orbos ang mga utility company upang maglatag ng mga regulasyon.
Kung hindi anya sususpendihin ang mga paghuhukay ay magreresulta ito sa mas matinding traffic lalo’t inaasahan na ang kaliwa’t kanang sale ng mga mall na daragsain ng mga mamimili sa buong Metro Manila.
Kabilang sa mga tinututukan ng MMDA ang EDSA partikular ang Cubao area, Roxas Boulevard, Aurora Boulevard, Ortigas, Commonwealth at Quezon Avenues.
By Drew Nacino