Nagbabala sa mga motorista ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEx) sa inaasahang pagtindi pa ng daloy ng trapiko hanggang sa susunod na buwan.
Ito umano ay dahil sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Skyway-3 Project.
Isinara kasi ang isang lane sa taas ng EDSA-Balintawak dahil sa paglalagay ng steel support.
Pagsapit naman ng alas-11 g gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, dalawa pang lanes sa northbound lane ng NLEx sa ilalim ng Balintawak Bridge ang isasara kapag ilalagay na ang girder ng Skyway.
Madadagdagan pa umano ito kapag inilagay na ang girder ng Skyway.
Sinabi ng pamunuan ng NLEx na tatagal ito ng hanggang 20 araw.
Dahil dito pinayuhan ng NLEx at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa traffic.