Target ngayon ng National Food Authority o NFA na makapagpatayo ng mga matitibay na imbakan o warehouse para sa mga bigas.
Ito’y ayon kay NFA Administrator Renan Dalisay ay para hindi madaling masira ng kalamidad tulad ng bagyo o lindol.
Magugunitang nawasak ang mga bodega ng NFA sa lalawigan ng Leyte sa kasagsagan ng pananalasa ng super bagyong Yolanda noong 2013 dahilan para kulangin ang suplay ng bigas sa lugar.
Sa ngayon ani Dalisay, kanila nang isinasaayos ang ilang bodega ng NFA sa Ormoc gayundin sa iba pang bahagi ng Leyte na nawasak ng super bagyo.
By Jaymark Dagala