Pinaghahanda ng PAGASA ang publiko para sa matitindi at mas malalakas na pag-ulan sa buong bansa sa huling bahagi ng taong ito hanggang sa unang bahagi ng taong 2021.
Ito’y ayon sa weather bureau ay matapos i-anunsyo nito ang opisyal na pagsisimula ng La Niña phenomenon sa buong bansa kahapon.
Batay sa lagay ng temperatura sa dagat gayundin sa galaw ng hangin buhat sa Pasipiko, sinabi ng PAGASA na posibleng maranasan ang weak La Niña sa huling bahagi ng taong ito.
Habang asahan na ang full blown La Niña sa unang bahagi ng susunod na taon kung saan, tatamaan nito ay ang ilang bahagi ng Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao.