Asahan nang mas magiging mahigpit at nakakatakot ang kampanya kontra iligal droga ng Philippine National Police o PNP.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde bilang tugon na rin sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA o State of the Nation Address.
Ayon kay Albayalde, kanya nang iniatas ang pagpapatupad ng recalibration sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga kung saan isasailalim sa assessment, evaluation at deliberations ang mga provincial, district, city at municipal police stations.
Batay sa datos ng PNP nito lamang isang linggo, aabot na sa 1,656 pang drug personalities ang nasa kanilang drug watchlist.
Habang halos 1.3 milyon na ang sumuko sa kanilang Oplan Tokhang at nasa 193 high value target naman ang kanilang tinutugis.
(with report from Jaymark Dagala)