Nirerepaso ng komite ni Senate Committee on Agriculture Chairman Cynthia Villar, ang panukalang batas na naglalayong mapaigting ang implementasyon ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund o ACEF.
Ayon kay Villar, target ng kanyang komite a matapos at maaprubahan ang panukalang batas, bago magsimula ang panahon ng kampanya sa susunod na taon.
Sa pagtalakay, iminungkahi ni Agriculture Usec. for Administration and Finance Antonio Fleta, ang pagpapaliit sa halaga ng ibinibigay na loan, at pataasin naman ang ibinibigay na grant para sa mga magsasaka at mangingisda.
Una nang nakapag-avail ng loan at grant mula sa ACEF ang ilang organisasyon katulad ng QUEDANCOR at NABCOR, na nakakuha ng P1.5 billion pesos subalit nabigo na itong mabayaran.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)