Inilunsad na ng pamahalaan ang mas pinalawak na crackdown ng mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, kabilang dito ang kanselasyon sa mga pekeng birth certificate ng mga foreign nationals at pagkuha sa mga iligal na real estates at iba pang mga ari-arian.
Binigyang-diin ni Solicitor General Guevarra na mga hakbanging ito ay kritikal upang maitaguyod ang immigration laws at property ownership.
Nabatid na ang mga POGO ay minsang nakapagpalakas sa ekonomiya ng bansa bagama’t ipinagbawal na dahil sa mga iligal na aktibidad nito tulad ng human trafficking, money laundering, at tax evasion. – Sa panulat ni John Riz Calata