Tiniyak ng Department of Agriculture ang patuloy na pagpapalakas ng mga hakbang nito para makabili ang publiko ng mas abot-kayang presyo ng bigas.
Ito’y sa pamamagitan ng pagpapalawak sa Rice-For-All Program at pagbubukas ng dagdag na Kadiwa ng Pangulo kiosks sa mga palengke at istasyon ng tren.
Sa ilalim ng programa, makabibili ang mga consumer ng 45 peso per kilo para sa 5% na durog na bigas, 40 para sa 25 percent na durog habang 36 pesos para sa 100% na durog o tinatawag na sulit rice.
Nakalaan naman ang 29 peso rice program para sa mga mahihirap, senior citizens, solo parents, may kapansanan at mga katutubo na may limit na 10 kilo kada buwan sa bawat benepisyaryo.
Ayon kay Agriculture Secretary Kiko Laurel, layunin ng inisyatibong ito na matiyak na mananatili ang opsyon ng murang bigas para sa mga mahihirap na pamilya.
Nakipag-usap na rin anya ang d.a. Sa mga LGU Sa buong Metro Manila para maibenta ang imbak ng National Food Authority sa presyong 38 pesos per kilo.