Inihahanda na ng European Union o EU ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa Myanmar.
Ito ay dahil sa malawakang paglabag umano ng gobyerno ng Myanmar sa karapatang pantao ng nasa pitongdaang libong (700,000) Rohingya Muslims na napilitang lumikas patungong Bangladesh.
Ayon sa EU, kabilang sa mga ipapataw nilang sanction ay ang pagpapatigil ng pagsuplay ng armas sa naturang bansa.
Maliban dito, hindi na rin pagkakalooban ng pagsasanay ang mga sundalo sa Myanmar.
Matatandaang kinukondena ng international community ang ginagawang crackdown ng gobyerno ng Myanmar laban sa mga Rohingya Muslims.
—-