Asahan na ang mas produktibong Senado sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Lunes.
Nagkasundo ang mga Senador na maipasa ang kani-kanilang pet bills bago ang susunod nilang recess sa Marso.
Bawat senador na dumalo sa caucus ay nagsumite ng kanilang mga panukalang batas na prayoridad nilang maipasa agad.
Mataandaan na sa unang anim na buwan ng Senado sa 17th Congress, tanging ang pagpapaliban sa SK at barangay elections at ang national budget ang kanilang naipasang batas.
Hindi nakadalo sa caucus sina Senador Ralph Recto, Antonio Trillanes, Francis Pangilinan, Richard Gordon, Franklin Drilon, Allan Peter Cayetano at Panfilo Lacson.
By Len Aguirre | Cely Bueno (Patrol 19)