Aprubado na ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang mas simpleng pagbubukas ng bank account para sa maliliit na depositor.
Alinsunod sa ipinatupad na basic deposit account framework ng BSP, tinanggal na ang mga hadlang sa pag-iimpok sa bangko tulad ng maintaining balance at niluwagan na rin ang requirements gaya ng pagdadala ng identification.
Ayon kay BSP Inclusive Finance Advocacy Office Director Pia Tayag, ipinako sa 100 pesos ang maintaining balance at kahit walang dalang ID ay maaaring isulat muna ang pangalan sa basic deposit account form.
Tinanggal na rin ang dormancy charge o kaltas kapag walang deposit at withdrawal activity sa account.
Umaasa ang BSP na mahihikayat nitong magbangko ang pitumpung (70) porsyento ng mga Pilipinong nasa hustong edad na walang bank account.
—-