Pinalawig pa ng Quezon City Government ang sakop ng Masa Masid drop boxes sa mga barangay sa kabila ng mahigpit na pagtutol dito ng Commission on Human Rights.
Hinimok ng Quezon City Government ang kanilang nasasakupan na sa halip na i tsismi ang mga impormasyon kaugnay sa illegal drugs at mga krimen mas mabuting isulat na lamang ito at ihulog sa mga box sa labas ng barangay hall.
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pamamagitan ng drop box ay masasabi ng mga tao ang kanilang nalalaman taliwas sa iba pang paraan dahil natatakot silang balikan o ayaw madamay.
Ang mga report mula sa box ay kokolektahin kada una at huling Biyernes ng buwan at isusumite sa technical working group na siyang mag a assess ng mga impormasyon.
Ang Masa Masid ay nangangahuligang mamamayang ayaw sa anomalya, mamamayang ayaw sa iligal na droga.