Inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga agriculture officials na lumikha ng multi-year plan para sa value chain ng bansa.
Kabilang ito sa tinalakay ni Marcos at mga opisyal ng DA sa kanilang pulong, kahapon.
Isinulong naman ng Pangulo ang operationalization ng “Masagana 150” at “Masagana 200” na proposal noon ni dating secretary William Dar.
Dapat din anyang suportahan ang mga siyentista at researcher para sa re-construction ng value chain hanggang sa pagbuhay sa Kadiwa Rolling Store.