Masama ang estado ng ekonomiya ng bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Roderigo Duterte.
The economy of the Philippines is really in bad shape,” ani Duterte
Ayon kay Pangulong Duterte, na hindi lang ang Pilipinas ang nakakaranas ng pagbagsak ng ekonomiya kundi pati ang mga ibang bansa rin.
Dagdag pa ng Pangulong Duterte, ginagawa ng gobyerno ang lahat para makabangon ang ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
We are sinking deeper and deeper, pero hindi lang tayo… We are trying our best to keep us afloat,” ani Duterte
Sa huli, nanawagan ang Pangulong Duterte na ibigay pa rin ang buong tiwala sa gobyerno para malampasan ang hirap dulot ng pandemya.
Just keep your faith on the government,” ani Duterte —sa panulat ni John Jude Alabado