Unti-unti nang nababago ang masamang imahe ng pulisya sa paningin ng publiko.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ramdam niyang unti-unti nang nanunumbalik ang tiwala ng publiko sa PNP dahil sa seryosong mga programa ng pambansang pulisya laban sa iligal na droga at kriminalidad.
Ipinagmalaki pa ni dela Rosa na kung dati ay ilag ang tao sa pulis ngayon aniya ay mismong ang mga ito na ang lumalapit.
Patunay aniya nito ay ang pagkakagulo ng tao upang siya ay malapitan at maka-selfie sa tuwing pupunta ang PNP Chief sa mga pampublikong lugar.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa
By Ralph Obina