Asahan pa rin ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa Southwest monsoon o habagat.
Kabilang sa mga apektado ng habagat ang Metro Manila, Batanes at Babuyan group of Islands.
Mararanasan naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Visayas, Northern Mindanao at CARAGA regions dulot ng trough (trap) ng Low Pressure Area.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 610 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Gayunman, mababa pa ang tysansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing weather disturbance sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.—sa panulat ni Drew Nacino