Niyanig ng Magnitude 4 na lindol Masbate kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natukoy ang sentro ng lindol sa layong labing tatlong (13) kilometro Timog Silangan ng bayan ng Claveria.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na labing tatlong (13) kilometro.
Naramdaman ang Intensity 2 sa Legaspi, Albay habang Intensity 1 naman sa Masbate City.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks sa naturang pagyanig.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 4.8 na lindol ang Dinagat Island kanina ring umaga.
Natukoy ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong apat (4) na kilometro Timog Kanluran ng bayan ng Loreto at may lalim na pitumput walong (78) kilometro.
Naramdaman naman ang intensity sa mga bayan ng Loreto at Tubajon.
Sinabi ng PHIVOLCS na wala namang napaulat na napinsala sa naturang lindol.