Lumubo na sa 101 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bicol region, kungsaan anim dito ang new infections, kabilang na ang unang dalawang kaso ng virus sa Masbate.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development-Bicol (DOH-CDH), 22 ang naitalang active cases ngayon sa rehiyon.
Isa sa unang dalawang kaso ng COVID-19 sa Masbate, si Patient 96, na isang asymptomatic 23-year old Filipino patient na dumating sa rehiyon noong June 22 mula sa Caloocan City.
Habang si Patient 97 naman na isang 25 years old, Filipino, ang ikalawang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Masbate, na umuwi ng Bicol region noong June 21 mula sa lunsod ng Taguig at nakitaan ng sintomas noong June 24.
Samantala, ang apat na iba pang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Bicol ay kapwa nasa isang quarantine facility na at patuloy na nilalapatan ng kaukulang lunas.