Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Masbate kaninang ala 6:45 ng umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol sa layong walong kilometro timog silangan ng Pio V. Corpuz sa Masbate.
May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang aftershock ang PHIVOLCS o pinsala sa mga ari-arian dulot ng lindol.