Hindi na bibigyan ng gobyerno ng mga maseselang COVID-19 vaccines ang lokal na pamahalaang mabibigong makapag-imbak nito ng maayos.
Ito’y matapos magkaroon ng aberya ng cold storage facility ng Muntinlupa City kung saan pinangangambahan na makompromiso ang kondisyon ng mga bakunang naka imbak dito.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ito ang nakikita nilang isang maaaring ipataw na parusa sa mga lokal na pamahalaan na hindi handang makapag imbak ng maayos ng maseselang bakuna.
Halimbawa aniya, nasira sa storage faciliy ng isang LGU ay Pfizer vaccine, asahang hindi na sila makakatanggap ng bakunang ito.
Posible rin aniyang magkaroon ng pananagutan ang mga officer in charge sa vaccination program ng isang LGU sakaling mayroong masayang na mga COVID-19 vaccines.