Posibleng hindi na magsuot ng facemask ang publiko sa Hunyo.
Ito, ayon kay National Task Force against COVID-19 Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa, ay kung mababakunahan ang 80% o halos 90M Pilipino.
Tuloy-tuloy naman na anya ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases at wala pang naitatalang mga bagong variant sa ngayon.
Samantala, inihayag ni Herbosa na nakatakdang i-donate ng Pilipinas sa mga mahirap na bansa ang mga sobrang COVID-19 vaccine.