Umabot na sa 34 ang nasawi sa mass alcohol poisoning sa Southwest Russia.
Ayon sa mga otoridad, 24 na katao naman ang isinugod sa ospital at pito sa mga ito ay hindi maganda ang kalagayan at apat naman ang naka-ventilator.
Sampung indibidwal naman ang inaresto ng mga otoridad dahil sa produksyon at pagbebenta ng iligal na alcohol.
Nasabat ng mga otoridad ang 2,000 bote ng alcohol na nagpositibo sa methanol, na nakakalasong uri ng alcohol.