Sinimulan na ang mass evacuation sa ilang bahagi ng Japan matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama rito.
Ayon sa report, partikular na pinalikas ang mga residente na naninirahan sa lugar kung saan malaki ang banta ng tsunami na inaasahang hanggang 10 talampakan ang taas.
Samantala, dalawang malakas na aftershocks ang yumanig sa coastal part ng Japan.
Ang nasabing aftershocks ay may lakas na magnitude 5.4 at magnitude 4.8.
Pinoys are safe
Walang Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Japan.
Ayon ito kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose matapos makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kasunod nang naitalang magnitude 7.4 na lindol sa Japan kaninang umaga.
Ang nasabing lindol ay nasundan pa ng dalawang aftershocks makalipas ang halos isang oras.
By Judith Larino