Patuloy ang mass evacuation sa halos Tatlong Milyong residente sa Apat na estado ng Amerika na inaasahang hahagupitin ng category 4 hurricane Matthew
Inaasahang mamayang gabi ay magla landfall ang hurricane Matthew sa Florida subalit ramdam na ngayon pa lamang ang malalakas na hangin at matinding buhos ng ulan
Bahagya pang lumakas ang hurricane Matthew habang tinatahak ang East Coast ng Florida
Pinulong muli ni US President Barack Obama ang mga gobernador ng Florida, Georgia, North at South Carolina para tiyakin ang paghahanda sa nasabing bagyo
Sa Florida wala nang supply ng kuryente ang ilang bahagi at isinara na ang mga establishment
Nagpatupad na rin ng mandatory curfew sa ilang lungsod sa Florida tulad ng Daytona beach habang shutdown naman ang mga paliparan
Hindi pa man nagla landfall ang hurricane Matthew itinaas naman sa category 2 ang hurricane Nicole na nakabuntot sa unang bagyo
By: Judith Larino