Hinimatay ang 82 manggagawa mula sa 2 magkahiwalay na pabrika ng damit sa Cambodia.
Ayon sa tagapagsalita ng National Social Security Fund ng Cambodia, hinimatay ang mga manggagawa mula sa Por Senchey District, dahil sa mahinang lagay ng kanilang kalusugan.
Una nang nagkaroon ng “mass fainting” sa garment factories ng Cambodia nitong mga nakaraang buwan, kung saan umabot sa halos 600 manggagawa ang hinimatay.
By Katrina Valle