Pina-iimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa ang mass gathering na nangyari sa birthday ni PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas.
Umiwas si Lt. General Guillermo Eleazar na syang commander ng Task Force COVID Shield, na magbigay ng kanyang opinyon kung may nangyaring paglabag sa protocols na kanilang ipinatutupad sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Mataandaan na dokumentado sa social media account ng PNP-NCRPO ang nangyaring salu-salo para sa birthday ni Sinas, at bagamat nakafacemask ang lahat ay tila hindi naman nasunod ang social distancing.
Una nang sinabi ni Gamboa na tiniyak sa kanya ni Sinas na walang party na nangyari at inobserbahan nila ang social distancing.
Ipache-check daw po niya [PNP Chief Gamboa] ‘yan,” ani Eleazar. —sa panayam ng Ratsada Balita