Tututukan ng Philippine National Police o PNP ang mass gatherings sa iba’t ibang lugar upang maiwasan ang super spreader events.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar bilang pagtalima sa kautusan ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año kasunod ng pagpasok sa bansa ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon sa PNP Chief, kaniya nang inatasan ang kaniyang mga Regional at Provincial Directors maginga ang Chiefs of Police sa bawat bayan at lungsod na bantayan ang mga pagkukumpulan sa kanilang nasasakupan.
Una rito, ilang mga establisyemento na partikular sa Quezon City at iba pang mga lugar ang naipasara dahil sa paglabag sa health and safety protocols partikular na ang Physical Distancing at Mass Gatherings.
Giit pa ni Eleazar, tatanggapin niya ang lahat ng mga kritisismo at pagbatikos laban sa kaniyang ginagawang pagpapatupad ng batas subalit hindi siya matitinag na gawin ito para sa kapakanan ng publiko.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)