Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang pagsasagawa ng mass gathering o pagtitipon-tipon sa mga kolehiyo at unibersidad sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Gayunman, binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque na para lamang ito sa limitadong kapasidad.
Ayon kay Roque, kinakailangan pa ring sumunod sa isinasaad ng umiiraal na guidelines sa ilalim ng MGCQ kung saan hanggang sa 50% lamang ng kapasidad ng buong venue o bilang ng mga upuan ang papayagang dumalo.
Samantala, maaari na ring magbalik operasyon ang technical vocational education at training programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Gayunman, sinabi ni Roque na ang face-to-face training ng Tesda ng hanggang 50% ng kapasidad ay maaari lamang sa mga lugar na nasa ilalim na ng MGCQ.