Nadiskubre ng MILF Task Force Ittihad at Joint Task Force Central ng militar ang isang mass grave sa Sitio Butalo Brgy. Tee Datu Salibo, Maguindanao matapos nilang makubkob ang stronghold ng Jamaatul Muhajireen Wal Ansar BIFF – ISIS inspired group.
Pahayag ni Joint Task Force Central Spokesman at CMO mindanao Regiment Commander Lt. Col. Gerry Besana, sampung (10) bangkay ang kasya sa nadiskubre nilang malaking butas na ginawa ng mga teroristang grupo.
Sinabi pa ni Besana, malaki ang kanilang paniniwala na pinatay mismo ni Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Torayfe ng BIFF – ISIS ang apat nitong tauhan matapos matuklasang nakikipag-ugnayan sa mga militar at MILF.
Bahagi umano ng internal cleansing ng BIFF ang pagpatay sa apat nitong tauhan.
Samantala, nagpapatuloy parin hanggang sa ngayon ang air to ground assault ng tropa ng pamahalaan sa kuta ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.