Isang mass grave ng international terrorist group na ISIS ang natagpuan sa bahagi ng Kirkuk sa Iraq.
Ilang mga saksi sa nangyaring pagpatay ang nagturo mismo sa Iraqi Forces ng kinaroroonan ng Al-Bakera o tatlong kilometro ang layo sa lungsod ng Hawija.
Dahil dito, nanawagan ng tulong ang pamahalaan ng Iraq gayudin ang Human Rights Commission ng nasabing bansa para sa pamilya ng mga nasawi.
Tinatayang aabot sa 400 mga sibilyan ang nalibing sa nasabing mass grave sa naturang bansa.
—-