Nanawagan ang Filipino Nurses United o FNU na magkaroon ng mass hiring sa mga nurse ang pamahalaan matapos mabawasan ng 20 hanggang 40% ang required manpower sa mga health facility.
Bukod pa dito, sumisikip narin ang espasyo sa loob ng mga ospital dahil sa dami ng mga nagpopositibo.
Ayon kay FNU President Maristela Abenojar, patuloy na tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan, pagod na pagod na ang mga nurse dahil sa sobrang oras ng kanilang serbisyo.
Dagdag pa ni Abenojar, matagal nang nagtitiis ang mga health workers sa maliit na pasahod ng gobyerno.
Panawagan ni Abenojar sa pamahalaan, itaas ang sahod at huwag abusuhin ang mga health care workers.—sa panulat ni Angelica Doctolero