Tinawag na eksaherado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang naging pahayag ng OFW group na Migrante International.
Kaugnay ito sa umano’y nangyayaring malawakang tanggalan o sibakan sa trabaho sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, hindi nakatutulong sa bansa ang ginagawang panayam ng media sa Migrante na aniya’y hindi tototoo ang mga ibinabalita.
Bagama’t sinabi ni Baldoz na nagkaroon nga ng mass layoff ang isang kumpanya sa Middle East, masyado naman aniyang marami ang naging pagtaya ng Migrante sa bilang ng mga nawalan ng trabaho.
Ang sinasabing 2,000 nawalan ng trabaho kamakailan ani Baldoz ay kinabibilangan ng mga kawani nito mula sa iba’t ibang bansa at hindi lamang patungkol sa mga OFWs.
By Jaymark Dagala