Pinangangambahang makaapekto ng malaki sa Pilipinas kung magtutuloy-tuloy ang bantang mass leave ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Kasunod ito ng mga hindi nababayarang overtime pay ng mga Immigration personnel na nakatalaga sa mga paliparan sa buong bansa.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, mapanganib ang nasabing hakbang sa usapin ng national security dahil walang sasala at magpoproseso sa mga pumapasok sa bansa.
Posible rin aniya itong magdulot ng pagkadismaya sa mga turistang nagnanais magbakasyon dito sa Pilipinas dahil sa abalang maidudulot nito sa kanila.
Augmentation
Magde-deploy ng augmentation team ang Bureau of Immigration (BI) sa Immigration counters sa paliparan, simula ngayong linggo para matugunan ang kakulangan sa airport.
Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, ang karagdagang Immigration officers ay kanilang kukunin mula sa iba’t-iba nilang tanggapan.
Bahagi ng pahayag ni BI Spokesperson Antonette Mangrobang
Sinabi naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nangangailangan pa ang Immigration ng mahigit sa dalawang libong (2,000) Immigration officers, para hindi na mangailangang mag-overtime ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Jaymark Dagala | Katrina Valle | Ratsada Balita / Balitang Todong Lakas (Interviews)