Hinimok ng Department of Health (DOH) ang health workers na pag-usapan muna ang nakatakdang mass resignation dahil sa dami ng mga pasyenteng nagpopositibo sa COVID-19.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, malaki ang magiging epekto nito sa halthcare system ng bansa lalo na’t kasalukuyang humaharap sa panibagong surge ng mga kaso.
Magugunitang, ilang healthcare workers sa mga pribadong ospital ang nagbabalak magsagawa ng “medical lockdown” dahil sa mababang sahod at kakulangan ng mga natatanggap na benepisyo.
Sinabi naman ni Vergeire, handa silang makipag-ugnayan upang matulungan ang mga medical frontliners kung saan una nang nanawagan si Labor Sec. Silvestre Bello III sa pamunuan ng ospital na taasan ang sahod ng kanilang mga empleyado.