Inaasahang masisimulan na ngayong araw na ito ang mass screening sa sakit na tuberculosis sa mga preso ng Manila City Jail.
Nais matukoy ng Department of Health (DOH) at Bureau of Jail Mangement and Penology (BJMP) sa pamamagitan ng mass screening sa (5,000) bilanggo ng Manila City Jail kung ilang preso ang apektado ng TB.
Magugunitang noong nakalipas na linggo ay napaulat ang pagkakasakit ng maraming preso sa Manila City Jail dahil sa umiinit na panahon at siksikan sa bilangguan.
(Ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)