Inako ng Islamic State o ISIS ang responsibilidad sa mass shooting sa Pulse Gay Night Club sa Orlando City Florida na ikinasawi ng 50 katao.
Sa pahayag ng ISIS sa Amaq News Agency, kinumpirma nila na isang Islamic State fighter si Omar Mateen, ang napatay na suspect sa mass shooting.
Una rito, ibinunyag ng Federal Bureau of Investigation o FBI, dati na nilang naimbestigahan si Omar Mateen dahil sa posibleng koneksyon nito sa isang US suicide bomber subalit negatibo ang resulta nito.
Subalit bago ang masaker ay tumawag pa si Mareen sa 911 at doon ay isinisigaw ang kanyang katapatan sa ISIS.
Una nang ipinag-utos ni US President Barack Obama ang paglalagay sa half mast ng bandila bilang pagluluksa at nag-alay rin ng moment of silence ang buong Amerika para sa mga biktima.
By Len Aguirre
Photo CREDIT: Chris O'Meara/AP