Inako na ng Islamic State ang mass shooting incident sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos na ikinasawi na ng halos 60 katao at ikinasugat ng mahigit 500.
Ito, ayon sa ISIS, ay tugon sa kanilang panawagan ng maghasik ng kaguluhan sa mga bansang kabilang sa coalition forces na nakikipaglaban naman sa mga Islamic State fighters sa Iraq at Syria.
Inihayag din ng Islamic State na nagpa-convert sa Islam ang suspek na si Stephen Paddock pero hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang teroristang grupo.
Sa kabila nito, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na walang ebidensya na may kinabibilangang grupo si Paddock na napag-alamang mayroong psychological problems.
—-