Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Lubang, Occidental Mindoro na maisailalim sa mass testing ang 7,000 nitong residente.
Ayon kay Lubang Mayor Michael Lim Orayani, nagiging seryoso na ang sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Aniya, pinag-aaralan na ng kanilang medical personnels ang dahilan ng mabilis na paglobo ng mga kaso ng virus
Maliban sa mass testing ay humihiling din ng dagdag na bakuna ang lokal na pamahalaan.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang bayan ng Lubang.—sa panulat ni Hya Ludivico